
Quotes by famous people, credited to who said them. Your own quotes must not match any of these. More are added all the time. 1,159,190 quotes Who coined it · How we decide
EnglishItalianoPolskiעבריתFrançaisPortuguêsفارسیEspañol中文РусскийDeutschالعربيةहिन्दी日本語ΕλληνικάLatina
Lualhati Bautista
26 quotes
“Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1983 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Dekada '70, Early-middle chapters (1983)
“Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, Early chapters (1988)
“Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya! E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya? Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, middle Chapter, (1988)
“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?,middle Chapter , (1988)
“Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2007 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Desaparesidos, middle-late Chapter (2007)
“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2007 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Desaparesidos, Late Chapter (2007)
“Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti!”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, middle Chapter (1988)
“Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, Early-middle Chapter (1988)
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila. Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, middle Chapter (1988)
“Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon! Klik! Klik!Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, Early Chapter, (1988)
“Sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti.. basta isang babaing malaya sa kadena ng mga inhibition at pagkukunwari.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, Middle Chapter (1988)
“Ang buhay ay di nagsisimula sa pagtuntong sa sisenta. Nagsisimula ito sa bawat ngiti ng umaga.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2005 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sixty in the City, Early reflections (2005)
“Yan daw alak at gamot at pagkaapi, nakakasanayan. Kalaunan daw, hindi ka na tatablan pa. Pero hindi totoo 'yon. Lalo na sa kaso ng pagkaapi.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: 'GAPÔ ,middle Chapter (1988)
“Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1983 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Dekada '70, middle chapters (1983)
“Sino ang may sabi na may ipinagkaiba ang damdamin ng isang sisenta'y singko sa isang disisais? Walang pinagkaiba yan, magkasingtalim lang ang damdamin niyan ng pagkabigo, magkasingdami ang luhang ititigis sa kamatayan ng kanyang pag-asa.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2005 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sixty in the City, Middle reflections (2005)
“Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang mga kaangkinan niya.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Bata, Bata... Pano Ka Ginawa?, Middle Chapter (1988)
“Niyakap ko siya nang mahigpit, kung maaari lang na ibaon ko siya sa dibdib ko. Siya na mataas pa nga sa'kin pero kailan lang ay isang sanggol na kalong ko at ipinaghehele. Higit kailanman ay ngayon ko nadarama ang mga trahedya ng maging ina. Hindi pala natatapos ang hirap at kirot sa pagsisilang ng anak, may mga sakit na libong ulit na mas masakit kaysa mga oras ng panganganak. Bakit gano'n, hindi mo maangkin ang mga dinaramdam ng anak mo. Bakit gano'n, wala kang magawa kundi iyakan ang mga pagdurusa niya!”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1983 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Dekada '70, Late Chapter (1983)
“Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1983 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Dekada '70, Final Chapter (1983)
“Alam mo naman pag walang sex life ang tao, puro sex ang sinasabi!”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2005 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sixty in the City, Middle Chapter (2005)
“Tinawag niya ang luho ng 'pangangailangan.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 1988 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: 'GAPÔ ,middle Chapter (1988)
“Sulat-kamay niya. Ginawa long long time ago, noong nagmamahalan pa ang isa't isa sa pamilya nila. Ang lungkot isipin.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2011 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sonata (2011)
“Ang manunulat ay pinakamabisa sa kanyang pag-iisa.”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2011 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sonata (2011)
“Sapagkat ang babae ay hindi isinilang para sa musika at selebrasyon ng sariling buhay; ang babae ay isinilang para maging musika ng kanyang asawa't mga anak”
Lualhati Bautista (1945–2023) first seen 2005 wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
Recorded in: Sixty in the City, Middle Chapter (2005)
“Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala, bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay?”
Lualhati Bautista (1945–2023) said by 2023 at the latest wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
“Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.”
Lualhati Bautista (1945–2023) said by 2023 at the latest wikiquote, CC BY-SA 4.0 source
“Kung sambahin kasi natin ang US products, talo pa ang pagsamba natin sa Diyos.”
Lualhati Bautista (1945–2023) said by 2023 at the latest wikiquote, CC BY-SA 4.0 source